2:39 am  •  3 June 2012
2:07 am  •  3 June 2012
Tomorrow would be a new stepping stone.

Nakaligtas nanaman ako sa isang taong pagiging kolehiyo at bukas panibagong taon nanaman ang paghihirapan at problemahin. Dugo’t pawis at oras ang kukunin para lang makahakbang sa susunod na bato sa buhay. Bukas, ang araw na ang pakiramdam na pumapasok ka at alam mo na kung bakit ka napasok. para sa sarili,sa kinabukasan,sa pangarap, sa pamilya at sa mga minamahal na kaibigan. Gusto ko lang balikan ang isang taon kong pinaghirapan noong 2011-2012.

Marami akong natutunan, dahil nga sa pagpilit sa sarili ko na matuto maging “independent” nag dorm ako. Dahil na nga late nako nag enroll at wzla nakong mahanp na dorm bumagsak ako sa di kaayaaya at komportableng mens dorm. Nagtiis ako sa una kong tinirahan na kwarto, magisa walang kasusap at walang kaibigan , natutong magtipid,magipon at lagyan nang sariling label ang sarili at i set ang priorities/goals. Ultimo nga pagkain ko may tamang oras at tamang laan na pera. 5 months ako nagtiis at pinagaralan ang buhay kolehiyo lumipat ako ng condo unit/rent at doon naman nasuklian ang pagtitiis ko sa dorm kong tinirahan ng 5 months. dito ko natutunan na makipag usap makipag kaibigan at matutong makihabilo sa kapawa room mates at mga employess doon sa condo. Natutuwa ako sa mga nakikita ko at naranasan ko sa tinitirahan ko masyado akon natuwa at nakalimutan na ang pag aaral at dumating na sa punto na nagkabagsak ako ng 6 units at pag napagsyahaan maguwian dahil sa deal na ginawa ng aking mga magulang na once na bumagsak tigil o walang dorm or aral pero uwian. syempre sino bang tanga pipili ng walang dorm at tigil pinili ko pag aaral kahit mahirap dahil sa nakasanayan kong maginhawang buhay noong 2nd sem.

Napagisipan ko rin lumipat sa mas malapit na eskwelehan ngunit na paisip ako sa mga taong iiwanan ko at ang pangalang ng unibersidad na pinapasukan ko. Eto ang dahilan na kaya’t gusto ko ituloy ang pag aaral dahil sa mga taong nagmamahal sakin at nakakaintindi kung ano ako. Mababaw man isipin na kaya’t di ako lumipat dahil sa kaibigan pero totoo.

Dahil ako’y normal na kolehiyo , na iinspire ako mag aral dahil sa mga taong nakapaligid sakin. Mga taong masayahin, malakas at di sumusuko at kahit minsan nalilito ng landas alam nila kung ano talaga ang gusto nila sa buhay. Oo, bata pa nga ako kahit nalilito o naliligaw alam ko mapupunta parin ako sa aking gusto dahil sa mga taong tutulong at mag uunsad ng sarili ko.

1:21 am  •  3 June 2012  •  1 note